Masaya sa nangyayari ngayon sa buhay niya ang 5'8", 18-year-old young actress na si Megan Young. Bukod daw kasi sa may regular show siya-ang I Love Betty La-Fea, where she plays one of the office girls named Marcella-she gets to attend her regular schooling at Trinity College as a freshman student.
BINIBINI AND BETTY. Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Megan yung dati niyang pangarap na maka-join ng mga beauty contest like Binibining Pilipinas, patuloy pa rin ba siyang nag-a-aspire na makasali rito?
"Well, hindi ko pa alam kasi may Betty pa, may school pa ‘ko...saka sabi ng friend ko, mas maganda raw na mag-join ng Binibini kung graduate ka na ng college. But then, we'll see..." wala pang katiyakang sagot ni Megan.
"Hindi ko pa rin alam kasi, hindi ko alam kung bagay ba talaga ‘ko ro'n," tila nahihiya pang pagpapatuloy ng dalaga.
Aminado naman si Megan na medyo hirap daw siya portraying her character as Marcella sa Betty.
"First of all, mas matanda siya. Sobrang tanda, e. Yung mga classmates ko nga, sinasabi nila na kapag nakikita nila ‘ko sa TV, iba raw at sa school. At saka, obsessive siya. Doon ako nahihirapan kapag nagpapakita siya ng affection na niya. Sobrang O.A. sa pagka-affectionate. Hindi kasi ako ganoon. Pero iniisip ko na lang, hindi naman talaga ako yun, si, Marcella naman talaga. So, iniisip ko na lang din, get into the character."
Pag-amin pa niya, "Noong una talaga, parang naiilang ako. Si John Lloyd [Cruz] pa ang kaeksena ko."
MEGAN'S TYPE OF MAN. Two years ago pa raw mula nang magkaroon siya ng boyfriend, pero hanggang ngayon ay still single pa rin siya. Nagbiro pa ito na baka raw puwedeng maglagay ng ads sa article searching for a boyfriend.
Type raw niya yung moreno at mabait.
"Gusto ko kasi, puro non-showbiz. Pero siyempre, kailangang matangkad siya kasi, kung hindi siya matangkad, ang pangit tingnan, ‘di ba? Dapat kahit naka-heels ako, mas matangkad pa rin siya sa akin."
Dugtong pa niya, "Ayun, naalala ko, si Jon Avila pala! Kahit hindi siya moreno, pero, bagay sa kanya yung pagka-puti niya."
AS A KAPAMILYA. As everyone knows, galing Kapuso network si Megan at kasama sa second batch ng StarStruck. At that time, marami ang may bet na siya ang mananalong ultimate survivor. But Megan didn't win. It was Ryza Cenon who was declared the ultimate female survivor of StarStruck batch 2.
Kumusta naman ang pagiging Kapamilya niya?
"Mas happy ako," nakangiti niyang pag-amin. "Dito kasi, mas nae-enhance yung skills ko. Mas pinipiga, para I won't settle lang sa ganito lang, sa ganyan lang. Minsan nga, parang naiiyak ako sa work ko. Siyempre, minsan, napapagalitan din ako when they say, it's not good enough.
"Siyempre, hindi ko rin maiwasang hindi maiyak. Nasasaktan din ako. Pero, after noon, iniisip ko rin, sinasabi rin sa akin nina mama na, ‘Okey lang ‘yan, galingan mo lang. Ipakita mo sa kanila na kaya mo kasi, sayang naman itong ibinigay nila kung hindi mo naman gagawin at idadaan mo lang sa iyak.'
"So, after no'n, bongga na! Ipinush ko na talaga ang sarili ko kasi, I have to, talaga or else, papagalitan na naman ako. At least ngayon, hindi na ‘ko pinapagalitan," natatawa pa niyang sabi.
THE RIGHT NETWORK. Naniniwala si Megan na tama lang ang naging decision niyang talaga na lumipat ng network.
Sey nga niya, "Feeling ko, mas okey talaga na lumipat ako. Feeling ko, if ever I stayed [in GMA-7], baka nag-quit na lang ako. Feeling ko kasi, wala na ‘kong mapupuntahan doon. Imbes na puro ako hintay, mag-aaral na lang ako.
"Eh ngayon, since I'm working, you know, work and then school. Kung wala, there's school. Sayang naman kasi kung wala akong gagawin, I'm just gonna waste my time."
Diretsuhan na naming tinanong si Megan kung pakiramdam niyang talaga, hindi talaga siya nabigyan ng opportunity sa Kapuso network where she started?
"Siguro it wasn't the right time lang. Not the right place and not the right time. Siguro, this is my right time and my right place right now [in ABS-CBN] at saka, mas ready na ‘ko ngayon. Parang noon, parang wala lang din... Parang before, laro lang dahil mas bata pa ‘ko. Ngayon kasi, mas serious na ‘ko."
A "MATURE" MEGAN. Kung si Megan daw ang masusunod, gusto raw niyang mas malinya sa mga kontrabida roles talaga.
"Sa ngayon kasi, hindi pa ako sure kung ano talaga ang plano nila. Pero si Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic boss], mas gusto po nilang mas mature ang packaging sa akin. Pero hindi naman aabot sa talagang, ‘Whew! Mature!" na ang ibig sabihin ni Megan ay ang mag-all the way or do sexy roles.
"Mas mature po siguro na mas classy, mas sophisticated. More older para hindi na teeny-bopper. At saka, sa ngayon kasi, mas gusto ko yung mga character roles, mas feel ko siya, mas exciting at saka, mas nae-enjoy ko."