Wednesday, June 20, 2007

StarStruck graduate Megan Young now officially with Kapamilya network

One of the most promising and arguably the most beautiful in the second batch of GMA-7's StarStruck, si Megan Young ang isa sa nakatanggap ng cruelest cut of their batch nang nalaglag siya sa Final Four na kinabilangan ng ultimate winning pairs na sina Mike Tan and Ryza Cenon and their consorts LJ Reyes and CJ Muere.

Promising naman ang naging pasok ni Megan sa showbiz nang binigyan siya ng malaking papel sa Say That You Love Me, ang Regal Films/GMA Films launching nina Jennylyn Mercado and Mark Herras. Siya ang ka-love triangle nina Jennylyn and Mark.

Pero sa TV, never nagkaroon ng regular show si Megan sa Kapuso Network. Either pa-guest-guest lang or semi-regular, her last being sa Asian Treasures.

February of this year, nag-lapse ang contract ni Megan sa Artist Center ng GMA-7. She decided to transfer to Star Magic of ABS-CBN.

"They [Artist Center] have the first option to renew but we chose not to sign again. Mutual naman ang naging decision," sabi ni Megan sa press con na ibinigay sa kanila ng mga bagong mukha sa Star Magic—which also include Gian Sotto, Alfonso Martinez, Michael Manotoc, and Michael Manahan.

"Let me make it clear, everything happened [in ABS-CBN] after my release," diin niya.

Nang ma-release si Megan ng GMA-7, saka pa lang daw siya nag-audition sa Star Magic. Nandoon na rin kasi ang kanyang younger sister, si Lauren Young, na part ng Star Magic Batch 13.

"Now, actually, it's easier for our parents dahil one TV network na lang kami," sabi pa ni Megan.

Nakahanda si Megan sa tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit sa tingin niya hindi siya nabigyan ng break sa GMA-7.

"I knew you would ask me that," sabi niya. "I really can't answer that. Sila naman ang pumipili kung sino ang gusto nilang ilagay sa isang show. I'm just a contract star."

Ipapasok si Megan sa show ng kanyang sister na si Lauren, ang Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2).

"Papasok ako as love triangle nina Victor [Basa] and Carla [Humphries]," sabi ni Megan tungkol sa kanyang role.

Ito lang daw muna ang show niya sa ABS-CBN but at least it's a regular show. Asked what Kampamilya show she wants to join in, Wowowee ang isinagot ni Megan.

"Sana may chance ako para makapag-audition," sabi niya. "Gusto ko kasing maging host. I never had that chance kasi. Saka sobrang enjoy kami ng family namin kapag pinapanood namin ang Wowowee. Tawa kami nang tawa."

Ang dating pangarap ni Megan na lumaban sa Binibining Pilipinas, hold na muna. Dati raw gusto niya ito, pero saka na niya ito iisipin ulit kapag of age na siya. Seventeen pa lang ngayon si Megan.

Nagpapasalamat si Megan sa chance na binigay sa kanya ng StarStruck. Pinaalala namin na kapag nagkaroon muli ng StarStruck, hindi na makukumpleto ang all-batch number na ginagawa palagi sa Final Judgment Night.

"Let's see. Malay natin payagan nila akong mag-guest," huli niyang sabi.

Megan Young Shift from GMA7(Stars Struck) to ABS CBN(Star Magic)

One of the most promising and arguably the most beautiful in the second batch of GMA-7's StarStruck, si Megan Young ang isa sa nakatanggap ng cruelest cut of their batch nang nalaglag siya sa Final Four na kinabilangan ng ultimate winning pairs na sina Mike Tan and Ryza Cenon and their consorts LJ Reyes and CJ Muere.
Promising naman ang naging pasok ni Megan sa showbiz nang binigyan siya ng malaking papel sa Say That You Love Me, ang Regal Films/GMA Films with Jennylyn Mercado and Mark Herras at naging love triangle niya ito.
February 2007, nag-lapse ang contract ni Megan sa Artist Center ng GMA-7. She decided to transfer to Star Magic of ABS-CBN.
Nagpapasalamat si Megan sa chance na binigay sa kanya ng StarStruck. Pinaalala namin na kapag nagkaroon muli ng StarStruck, hindi na makukumpleto ang all-batch number na ginagawa palagi sa Final Judgment Night.
"Let's see. Malay natin payagan nila akong mag-guest," huli niyang sabi.

Monday, June 4, 2007

Starstruck female avenger Megan Young lilipat sa Dos

Malapit nang mangyari ang first crossover ng isang Starstruck to ABS-CBN and a Star Circle Quest to GMA.
   
Balitang palipat na si Megan Young sa ABS, a Starstruck II avenger who was never given the chance to shine kahit isa siya sa pinaka-outstanding sa batch nila.
  
Tapos na ang contract ni Megan in that sorry department of GMA pati na rin ang clause ng option to renew, so she can join her sister Lauren Young sa Kapamilya network.             Yesterday, nag-ASAP na sina Megan and Lauren.
  
If ever matuloy ito, she will be the first GMA home grown star to move to ABS and the next Starstruck reunion will not be complete anymore.
  
Di bale, may naririnig din kaming isang SCQ na lilipat na rin sa GMA pero hindi pa puwedeng sabihin or mabigyan man lang ng clue. Under negotiation pa kasi ang pirmahan sa bagong manager nito so nothing permanent pa.

Friday, June 1, 2007

StarStruck Avenger Megan Young transfers to ABS-CBN?

One of the most outstanding StarStruck Batch 2 Female Avengers na nasilat sa Final Four during her time, Megan Young is also one of the most underused of their batch. After an introductory role sa GMA Films' Lovestruck, hindi nagkaroon ng regular show si Megan kundi puro recurring roles lang.

Kasabay niya namang nai-launch sa ABS-CBN ang kanyang younger sister na si Lauren Young sa Batch 13 ng Star Magic at napasok din sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

Ngayon, hamak na mas visible ang younger Young kaysa sa older Young dahil nakadalawa pang StarStruck editions, ang 3 and 4, at parang nawala nang tuluyan si Megan.

Recently, nag-lapse na ang contract ni Megan sa GMA Artist Center.

An insider told us na lilipat na si Megan sa ABS-CBN at malamang, makakasama ang kanyang kapatid sa show nitong Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) na nag-third season na.

Wala na raw legal impediment si Megan sa GMA Artist Center dahil lapse na nga ang contract nito at hindi nahabol para ma-renew. Although now that it has leaked out, pinapapirma raw ulit ngayon si Megan dahil balitang may first option to renew ang old contract ni Megan.

Another insider told us na wala nang ganitong option ang contract ni Megan. It was her first contract na may option-to-renew clause na na-renew nga.

If ever, Megan will be the first StarStruck star na lilipat sa ABS-CBN.

No StarStruck star has moved to ABS-CBN, the same way no Star Circle Quest star—ang counterpart ng ABS-CBN sa GMA-7 artista search—na lumipat. Although once, Hero Angeles threatened to do so, hindi nga lang natuloy.

 

© blogger templates 3 column | Tech Blog