One of the most promising and arguably the most beautiful in the second batch of GMA-7's StarStruck, si Megan Young ang isa sa nakatanggap ng cruelest cut of their batch nang nalaglag siya sa Final Four na kinabilangan ng ultimate winning pairs na sina Mike Tan and Ryza Cenon and their consorts LJ Reyes and CJ Muere.
Promising naman ang naging pasok ni Megan sa showbiz nang binigyan siya ng malaking papel sa Say That You Love Me, ang Regal Films/GMA Films launching nina Jennylyn Mercado and Mark Herras. Siya ang ka-love triangle nina Jennylyn and Mark.
Pero sa TV, never nagkaroon ng regular show si Megan sa Kapuso Network. Either pa-guest-guest lang or semi-regular, her last being sa Asian Treasures.
February of this year, nag-lapse ang contract ni Megan sa Artist Center ng GMA-7. She decided to transfer to Star Magic of ABS-CBN.
"They [Artist Center] have the first option to renew but we chose not to sign again. Mutual naman ang naging decision," sabi ni Megan sa press con na ibinigay sa kanila ng mga bagong mukha sa Star Magic—which also include Gian Sotto, Alfonso Martinez, Michael Manotoc, and Michael Manahan.
"Let me make it clear, everything happened [in ABS-CBN] after my release," diin niya.
Nang ma-release si Megan ng GMA-7, saka pa lang daw siya nag-audition sa Star Magic. Nandoon na rin kasi ang kanyang younger sister, si Lauren Young, na part ng Star Magic Batch 13.
"Now, actually, it's easier for our parents dahil one TV network na lang kami," sabi pa ni Megan.
Nakahanda si Megan sa tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit sa tingin niya hindi siya nabigyan ng break sa GMA-7.
"I knew you would ask me that," sabi niya. "I really can't answer that. Sila naman ang pumipili kung sino ang gusto nilang ilagay sa isang show. I'm just a contract star."
Ipapasok si Megan sa show ng kanyang sister na si Lauren, ang Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2).
"Papasok ako as love triangle nina Victor [Basa] and Carla [Humphries]," sabi ni Megan tungkol sa kanyang role.
Ito lang daw muna ang show niya sa ABS-CBN but at least it's a regular show. Asked what Kampamilya show she wants to join in, Wowowee ang isinagot ni Megan.
"Sana may chance ako para makapag-audition," sabi niya. "Gusto ko kasing maging host. I never had that chance kasi. Saka sobrang enjoy kami ng family namin kapag pinapanood namin ang Wowowee. Tawa kami nang tawa."
Ang dating pangarap ni Megan na lumaban sa Binibining Pilipinas, hold na muna. Dati raw gusto niya ito, pero saka na niya ito iisipin ulit kapag of age na siya. Seventeen pa lang ngayon si Megan.
Nagpapasalamat si Megan sa chance na binigay sa kanya ng StarStruck. Pinaalala namin na kapag nagkaroon muli ng StarStruck, hindi na makukumpleto ang all-batch number na ginagawa palagi sa Final Judgment Night.
"Let's see. Malay natin payagan nila akong mag-guest," huli niyang sabi.
0 comments:
Post a Comment